Sarado
On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood in their midst and said to them, "Peace be with you." John 20:19
Parang si David Copperfield, ano? Lumusot sa pader o bigla na lang lumitaw?
Si Jesus. Sarado ang pinto pero ayun siya dumating at tumayo sa gitna ng mga takot na mga alagad. Magic ba? Hinde. Iyan ang Panginoon natin. Kaya niyang gawin ang di natin inaakala at lubos na maisip. Si Jesus na namatay sa krus at pagkatapos nabuhay muli after three days, aba eh walang panama ang mga dinding at mga pintong naka-lock.
Gaya ng mga pusong sarado. Kaya niyang pasukin ang mga 'yan. Di ba dati ang hirap mong imbitahin sa prayer meeting o anumang mga meeting na pag-uusapan si Jesus. Di ba lahat na lang ng paraan ginawa na ng pamilya mo o kaibigan para pumunta ka doon pero ginawa mo na rin lahat ng dahilan upang wala silang magawa. Pero, tignan mo ngayon, isa ka na rin sa nag-iinvite sa mga friends mo para makapunta sila sa prayer meeting. Kung sa tingin mo parang sarado ang schedule o puso nila, mag-tiyaga ka lang, darating din ang day na sasama sila sa'yo. Walang sinabi ang mga saradong puso, kayang pasukin ni Jesus yun.
Gaya ng mga dead end. Akala mo walang daan. Sarado. Pero bigla na lang nangyari ang di mo inaasahan. Yun bang pumasa ka sa board exam na akala mo ay long shot. O kaya matanggap ka sa trabaho na lagi mong isinusulat noon sa slum books noong elementary ka pa. O kaya yun nagawa mong tumayo at mag-talk sa harap ng maraming tao kahit di mo pinag-aralan ito o di ka naman na-train dito. O kaya yun bang binigyan na ng taning ang mahal mo sa buhay pero habang binabasa mo ito, alive na alive pa rin siya, eh buong akala mo wala na o dead end na. Walang dead end o saradong daan ke Jesus.
May saradong pinto, saradong puso, o saradong daan sa buhay mo? Magtiwala ka lang. Magdasal ka pa. Dahil ke Jesus no match ang mga yan.
No comments:
Post a Comment