Monday, April 12, 2010

Madalas

She went and told his companions who were mourning and weeping. When they heard that he was alive and had been seen by her, they did not believe. After this he appeared in another form to two of them walking along on their way to the country. They returned and told the others; but they did not believe them either. Mark 16:10-13

Ngayon understand ko na why at baket , ang hirap maniwala ke Jesus ang mga taong hindi naniniwala sa kanya. Dahil paminsan-minsan, mismong ang mga sumusunod kay Jesus hinde naniniwala. O, di ba? Si Maria Magdalena nakitang buhay si Jesus tapos tumakbo papunta sa mga alagad na drama to the max, ibinalita niya sa kanila ang good news. Pero bad news, hindi sila naniwala. Tapos nagpakita si Jesus sa dalawang nag-field trip sa Emmaus. Nung bumalik sila at sinabing buhay si Jesus sa mga alagad; bad news pa rin, hindi pa rin sila na-convince at naniwala.

Hinde pa rin sila naniwala. Sila yung mga taong kasama ni Jesus sa loob ng three years. Sila yung mga nakakita sa lahat halos mga miracles na ginawa niya. Sila yung mga nagbahagi ng tinapay at isda para kumain ang five thousand. Sila yung mga nagpagaling ng maysakit. Sila yung mga nagpakaripas sa mga demonyo mula sa loob ng mga tao. Mga big shots ang mga ito….Peter, John, James, Andrew, etc. Hinde pa rin sila naniwalang buhay si Jesus.

Bakit kaya? Dahil ba parang imposible?

Sinabi sa akin ng aking batchmate sa college na di ako puwedeng pumasa sa Professional Electrical Engineering (PEE) exams. Dahil daw kulang ako sa industry exposure at theory lamang ang alam ko dahil ako'y instructor sa college. Matagal na akong sumusunod noon kay Lord. Sabi ko, "…tama si batchmate." Pero kung titignan mo yung requirement para pumasa for PEE examinees, wala naman indicated sa sinabi ni batchmate. "Imposible", sabi ko. Hinde ako naniwala na puwedeng papasa akong PEE. Pero gusto kong maging PEE, sino ba ang hinde? Sa suporta ng misis ko, nag-exam ako noong anibersaryo namin noong 2002. Aba eh, yung isang examiner, habang nag-break yung dalawa pang examiner, sinabi niya na ako pa lang ang papasa sa mga nagdaang limang examinees noong araw na iyon. Ang tagal kong hindi naniwala doon, na posibleng papasa ako.

Minsan ang hirap maniwala kahit na matagal ka ng sumusunod ke Lord. Pero lagi namang pinapatunayan ni Jesus na walang imposible sa buhay na Diyos at mapagpalang Panginoon.

So, ganoon pala yun. Kahit minsan, walang mintis si Lord. Kaya manalig tayo kay Jesus ng madalas.

No comments: