Lakas ng Loob
Thus Joseph, also named by the apostles Barnabas (which is translated "son of encouragement"), a Levite, a Cypriot by birth, sold a piece of property that he owned, then brought the money and put it at the feet of the apostles. Acts 4:36-37
Ilang gabi na rin akong umuuwi na medyo nanlulumo. Sad ako. Frustrated. May expectation kasi ako na medyo nade-delay. Medyo natatagalan. Though wala naman talagang reason for concern pero, di ko alam. Basta. Feeling ko lang, worry besets in me.
Nung isang gabi, napansin ng very thoughtful and very sensitive kong anak na si Praise na malungkot ako. Right after naming nagdasal as a family, lumapit sa akin at sabi niya, "I thought you could use a hug!" Sabay yakap sa akin. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Muntik ng mahulog ang puso ko. I was encouraged. Nabigyan niya ako ng lakas ng loob. Ang maliit nagpalakas ng loob sa malaki.
After one day, may natanggap akong private message sa Facebook account ko. May isang kaibigan na may sobrang lungkot. Nagpapadasal. Hindi siya makatulog. Nagpapa-encourage. Kahit medyo mahina ang loob ko during that time, tinawagan ko siya to build her up, kahit voice mail pa. Sabi ko, di tayo pinababayaan at iiwanan ni Lord. Ang mahina nagpalakas ng loob sa mahina.
Si Barnabas, alias Joseph, ganoon ang ginawa. Inilagay niya ang kanyang pera sa paanan ng mga apostles. Para sumulong ang misyon. Para makatayo ang hindi makatayo. Para makalakad ang hindi makalakad. Para bigyan ng light ang kanilang paths. Encouragement ang tawag diyan. Sino ba si Barnabas? Di naman siya kasali doon sa original na grupo nila Peter. Di naman siya talagang malaking tao. May super powers ba siya para bigyan ng lakas ng loob ang full of power of the Holy Spirit na mga apostles?
Eto ang suntok na linya - Hindi ka maliit at hindi ka mahina para mag-bigay ng lakas ng loob. Simple lang ang mag-encourage. Hugs. Mga katagang: "Kaya natin yan." "God will never fail us." Tap sa likod. Isang phone call. Isang email. Card mula sa post man. Magbigay ka ng encouragement. Dahil sa ating buhay, sa labas nanggagaling ang lakas ng loob.
No comments:
Post a Comment