Loveable
God so loved the world that he gave his only-begotten Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life. John 3:16
College Classmate: "Bakit ba laging tungkol sa love ang iyong mga tula?"
Edwin: "Kasi loveable ako!"
I admit up to now. Uy, madalang na lang ako magsulat ng poems.
Oh di ba? Lagi nating nababasa yang verse na yan. John 3:16. As bumper sticker. Sa poste ng kuryente. At your desktop sa office. Sa mga website. Doon sa Christian bookstore. Sa bulletin board ng religion department. Sa loob ng jeep or ng bus papuntang school or work. Ito na nga ang pinaka-popular na verse from the good Book. Ito na sigurado ang pinaka-highlighted verse sa mga Bible. Ito na rin marahil ang pinaka-nakatatak sa mga utak natin. Sabi nga nila, "Kailangan pa bang i-memorize yan!?"
God loves us that He gave his only begotten Son that whoever believes in him might not perish but might have eternal life. Every now and then nababasa natin yan. At lagi din nating nalilimutan ang ibig sabihin nito. Dahil lagi na lang nandiyan, sometimes we just take it lightly just like the sun surely rising in the morning.
Magaling ka. Pogi ka. Pang Miss Kalye ang beauty mo. Valedictorian ka. Employee of the minute ka. Mas mahal ka ba ni Lord? Paano na yung nasa row four? His love for us is not dependent on who we are, it is dependent on who He is.
Or if you think you are the most worst person sa mundo na parang talo mo pa ang most wanted terrorists worldwide, hindi nababawasan ang pag-ibig ni Lord sa iyo. His love for us is not dependent on your performance.
Kung sa tingin mo ngayon, waste management ang buhay mo. Nawala ang iyong mahal sa buhay. Nawala ang iyong trabaho. Nawala ang iyong friends. Huwag mong isipin nawala ang love ni Lord sa iyo. The way you look at yourself in your worst self is not the way the Lord look at you. His love for us will stay and His love for us is not dependent on your situation.
Galit sa iyo ang misis mo. Galit sa iyo ang parents mo. Galit ang boss mo sa iyo. Galit lahat sila sa iyo, pati aso mo. Mabagal magalit si Lord. Hindi pa siya galit mauunahan na siya ng pagmamahal niya sa atin. His love for us is not dependent on the love of people for us.
Ang dami mong doubts, mas marami ang iyong worries, pinaka marami ang iyong fears. His love for us is not dependent with what you are feeling or experiencing.
Siguro nagsusulat tayo ng mga tula about love, ano? Dahil puso at mata ni God, loveable tayo.
No comments:
Post a Comment